To the woman I love, thank you sa iyong husay at malasakit.



Ang unang araw na ikaw ay aking nakilala ay isang himala subalit ang 23 years na ating pagsasama ay binuo mo ng pagmamahal at pag-unawa.

I never asked you to love me. Simula sa una at hanggang ngayon ay patuloy mo akong minamahal at hindi ka nanghingi ng kapalit. I know that your love for me is unconditional. Hindi ko man (minsan) binigyan ng pansin o halaga ang mga sacrifices mo, deep inside my heart, sobra kong kinatutuwa ang lahat ng iyon.

Today, I’m writing this blog to express my feelings. (sigh) Alam ko hindi mo ito mababasa but then, I want you to know how much I appreciate and enjoy every single moment with you.


Matagal ko ng gustong sabihin ito sayo subalit kahit kaylan ay hindi ako makanakaw ng lakas ng loob sa aking sarili. Kaya sasabihin ko nalang ito sa pamamagitan ng pagsambit ng MARAMING SALAMAT.

..Thank you, dahil nakilala kita at naging bahagi ka ng buhay ko.

..Thank you, dahil sayo naging mabuti ang takbo ng paglalakbay ko dito sa mundo.

..Thank you, dahil sayo lumalim ang pananampalataya ko sa Diyos.

..Thank you, dahil patuloy mo akong ginagabayan kahit ano man ang mangyari.

..Thank you, dahil sa pag-aalaga mo, naramdaman ko ang tunay na pag-aaruga.

..Thank you, dahil sa oras na ginugol mo sakin, natuto akong magpahalaga sa lahat ng bagay.

..Thank you, dahil sa pagpapatawad mo, natuto akong umintindi at umunawa ng iba.

..Thank you, dahil sa mga pangaral mo, naging matatag ako bilang tao.

..Thank you, dahil ikaw ang nagbigay sa akin ng pagmamahal na walang kapantay.

..Thank you, dahil sayo ay nabuhay AKO.
..Thank you sa iyong husay at malasakit.

This blogpost is not enough to say how much I love you. Marami pa akong gustong iparating at ipadama sayo. I hope hindi pa huli ang lahat. 
At this moment, I want to dedicate this song for you, my one and only NANAY, Rowena D. Tudla.


Pagmamahal at pag-aaruga ang nakamtan naming biyaya
Hindi nagdamot ang tadhana
Bigay ka sa min ng Diyos

Mula pagkabata hanggang paglaki
Ikaw ay lagi naming katabi
Kahit saan pa man maparoon
Ikaw ay nandoroon

Nanay, Nanay
Wala ng hihigit pa sa 'yong pag-akay at pag-aaruga
Nanay, Nanay
Bukod-tangi ang pag-ibig mo
Kami'y buong pusong nagpapasalamat sa 'yo

Pagmamahal at pag-aaruga ang nakamtan naming biyaya
Kahit saan pa man maparoon
Ikaw ay nandoroon

Nanay, Nanay
Wala ng hihigit pa sa 'yong pag-akay at pag-aaruga
Nanay, Nanay
Bukod-tangi ang pag-ibig mo
Kami'y buong pusong nagpapasalamat sa 'yo

Salamat sa iyo
Kami'y buong pusong nagpapasalamat sa 'yo


Maraming salamat Nanay, ang iyong husay at malasakit..

..ang aking sikreto.
..ang aking  inspirasyon.
..ang aking lakas.

Maraming maraming salamat Nanay, I love you!







Share this:

, ,

CONVERSATION

2 comments:

  1. Nakakatouch naman ito! Bro, maswerte ka kasama mo si nanay mo. Ako kasi hindi eh, bata palang ako nung kinuha na siya sa amin. Alam mo bro, maganda sana kung sasabihin mo din ito sa nanay mo ng personal. Sigurado matutuwa yun, na tipong lahat ng paghihirap nya para sa iyo - sa inyo eh mapapawi lahat. Bro habang andyan pa iparamdam mo yung pagpapasalamat at pagmamahal mo sakanya. Mapalad ka bro!

    God bless! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-move naman ako sa sinabi mo Mark. Sige, mag-iipon muna ako ng isang timba na lakas ng loob or kaya print ko nalang to. HAHA

      Anyways, sad to hear that. Im sure binabantayan ka niya everyday :) God Bless too!

      Delete

Thanks for dropping by!