DIFFERENT



Bawat bagay sa mundo ay may kanya-kanyang tungkulin na dapat gampanan. Nagkataon lang na kung minsan iba ang ating gampanin sa mga pangkaraniwang nagmamahalan.

Alam ko na isang pagkakamali ng tao ay hindi niya ito mabubura ng isang libong kabutihang kanyang gagawin sa iba. Sa pagmamahal, hindi kaylangan ng mga materyal na bagay upang maging masaya. Minsan, makita mo lang siya, ay pawi na ang iyong pagod. Marinig mo lang ang kanyang boses ay nakakalimutan mo na ang iyong problema. O kahit sa simpleng text message niya ay napapangiti ka. Hindi ko hangad na ibigay mo sa akin ang lahat lahat. Masaya na ako na magkasama tayo araw-araw. Minahal kita kung ano ka. Naiintindihan ko yung mga bagay na ginagawa mo. Maraming Salamat!


---------------------------- Nagkamali ako! Lahat nga pala ng tao ay iba-iba. Ngunit hindi talaga maiwasan ang paghahambing. Patawad. Sa mga simpleng bagay ay nakikita ko ang ating malaki at maliit na pagkakaiba. Nauunawaan ko ang mga ito. Hindi ko hinangad na baguhin mo ito. Kung ano ang tama yun ang gawin mo.


Subalit? Ano ba ang tama? *sigh*

Kung maitatama ko ang lahat, siguro hindi tayo magkakasama ngayon. Alam ko naiiintindihan mo yung mga sinasabi kong ito.



Masaya ako dahil nandito ka sa tabi ko. Maraming salamat sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo para sakin. Hindi kita malilimutan kaylanman! Pangako.
Magbago man ang lahat, Ikaw at Ako
Magpakailanman. . .




Share this:

CONVERSATION

1 comments:

  1. kailangan mong itama ang lahat...
    Lalu na kung alam mong mali ang ginagawa mo!
    "Masaya ka nga pero mali naman di ba?"

    e~

    ReplyDelete

Thanks for dropping by!