Saudi Boy



Ako'y napadpad sa gitnang silangan,
Para sa naghihintay na bagong kapalaran.
Hindi ko alam kung bakit ako nandito,
Tanging baon ang mga pangarap ko.

Ako'y napadpad sa gitnang silangan,
Mainit, malayo at limitado ang kalayaan.
Sa lugar na bago sa aking paningin,
Maraming bawal at 'di pwede kainin.

Ako'y napadpad sa gitnang silangan,
Na mayroong pinoy sa bawat puntahan.
Hindi maiinip pero may kaunting homesick
Kaya madalas sa mall at coffee shop ang gimik!

Ako'y napadpad sa gitnang silangan
Katulad ng iba, dito'y nakipagsapalaran.
Ang tanging ako ay sigurado,
Ginawa ko ito para sa pamilya ko.


Officially, OFW.

Cheers!


Share this:

,

CONVERSATION

1 comments:

  1. I went to this place with local friends and we had a blast at venues in Chicago. The long happy hour definitely ensures a full upstairs, but I'd recommend the quieter downstairs to enjoy your stuffed burger and fries!

    ReplyDelete

Thanks for dropping by!