Ikaw Sana


Ikaw sana, lagi kong kasama
Sa ligaya at kahit problema.
Walang hindi makakaya,
Dahil sayo ako ay masaya.

Ikaw sana, hawak ng aking kamay,
Hanggang sa dulo nitong paglalakbay.
Ako ay hindi na muling malulumbay,
Dahil buhay ko'y nilagyan mo ng kulay.

Ikaw sana, katabi sa aking kama,
Nang yakap mong mahigpit ay aking madama.
Kapag ang dilim ay sasapit na,
Pakiusap, samahan mo ako hanggang umaga.

Ikaw sana, kapiling sa bahay,
Magluluto, maglalaba at magsasampay.
Kung dumating ang araw na tayo’y mag-away,
Please lang, wag sana umabot sa paghihiwalay.

Ikaw sana, kasama sa pagtanda,
Puti ang mga buhok at kulubot ang mukha.
At sana bago ako ay pumanaw na,
Ang tula na ito ay iyong mabasa.

Share this:

, ,

CONVERSATION

5 comments:

  1. Sana mabasa niya to.. Sweet <3

    ReplyDelete
  2. Hi aries! :)

    I never meant to read your blog..but got lost with #ByahengNuevaEcija page and tadah! im in your page.
    Its nice seeing young people are into writing and into poems.
    Keep exploring...keep writing..
    #TheFutureIsBright
    #Hisprinces

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, I never meant to reply on your comment as well. Haha joke. Thanks for dropping by. See you around! :)

      Delete

Thanks for dropping by!