MASAYANG PAGKAKAMALI


 
Puso ko’y nalilito,
Para bang nahihilo
Hindi alam aking gagawin
Paano nga ba ikaw mahalin?

Nagtagpo ating mga puso,
Bumuo ng mga pangako
Walang iwanan,
Hanggang magpakailanman.

Dumating ang panahon,
At tamang pagkakataon.
Ako’y nagkamali,
Pangako’y biglang nabali.

Matamis mong mga halik,
Paano nga ba maibabalik?
Mga masayang nakaraan,
Paano muling matatagpuan?


Handa na akong magbago,
Tungo sa tuwid na daan at totoo.
Subalit paano ko ba makakaya?
Kung sa pagkakamali doon masaya?






Share this:

, ,

CONVERSATION

3 comments:

  1. Just do what is right Aries..

    ReplyDelete
  2. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Thanks for dropping by!