I'LL BE WAITING

Bakit nga ba naghihintay ang tao?
Maraming dahilan kung bakit naghihintay ang tao. Sa kahit anuman dahilan pa ito, ang tao ay sadyang matiyaga.

Matagal na din akong nahinto sa pagsulat ng ganitong mga wala kwentang bagay. Parang pagmamahal, paulit-ulit. Nakakasawa. Masasaktan ka, luluha, magpaparaya, masasaktan ulit. Hanggang sa dumating sa puntong ayaw mo na siyang mahalin.
Maghihintay ka nalang ng tamang oras at tamang panahon para sa inyong dalawa.

Parehas kayong naghihintayan. Walang kasiguruhan at katotohanan kung kayo parin talaga sa isa't isa?

Bakit nga ba naghihintay ang tao?
..dahil ba mahal niya ito?

O dahil lamang sa pangakong kanyang binitawan? Gusto lamang ba niya itong tuparin alangalang sa kanilang sumpaan? Pag-ibig ba ito?

Nagtataka ako kung bakit naghihintay ang tao kung sa gayun naman ay walang kasiguruhan?

Mahal mo ba ako?

Siguro. Oo. Hindi. Nagkamali na nman ba ako sa aking desisyon? Paano na ang aking pangako? saan na napunta?
Mahirap magdesisyon. (Super)

Sino ang pipiliin ko, yung taong minahal ko na ng lubos at nagpapsaya sa aking damdamin? O ang taong handang magbago at itama ang kanyang pagkakamali at maghihintay kahit gano pa katagal? Dahil gusto niyang ipagpatuloy ang aming nasimulan?
Ayokong mamili. Mahal ko sila parehas. May mga pagkakataong gusto ko na bumitaw at sumuko. Pero para saan pa?

Bakit nga ba naghihintay ang tao?

..dahil may kapalit itong kaligayahan?

9months ang hinihintay ng isang ina upang lumabas ang kayang munting sanggol. Siyam na buwan itong inaalagaan at iniingatan. Hindi siya sigurado kung mabubuhay ba ito o hindi.

Maghihintay na lang ba ako na mawala ang nararamdaman ko sa kaniya?

Ayokong may masaktan sa kanila.

Minahal ko sila sa magkaibang paraan. Subalit naging kame sa parehong dahilan.

Sa oras na ito, ayoko ng magmahal. Gusto ko ng muling gumising sa katotohanan. Maraming tao ang nasasaktan.
Marami din ang nahihirapan. Para sa ikabubuti ng lahat, wala na lang akong pipiliin sinoman sa kanilang dalawa.
Hindi hihinto ang aking buhay. Patuloy itong iikot. Wala akong magagawa.


Ako ay tao lang at may kahinaan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pag-uugali.

Hindi kita masisisi kung bakit ka galit sa akin. basta ako masaya.

Gagawin ko ang tama. sana ito na ang paraan na pinakamaganda ang MAGHINTAY..

sa WALA. :(


Ikaw? Bakit ka naghihintay?..

Share this:

CONVERSATION

10 comments:

  1. Ako? Siguro naghihintay ako kasi umaasa ako na sa dulo may mapapala ako. Na darating din yung araw na matatapos yung paghihintay ko at sa pagdating ng araw na yun, masasabi ko sa sarili ko na "Deserve ko to kasi naghintay ako at nagtiyaga". :)

    ReplyDelete
  2. kase umuaasa aqng magkakaron pa ng pagkakataon para sating dalawa balang araw ;) mahal kita dati pa , di qo makaklimutan na minsan aqng pinasaya ng pagmamahal na un , isa sa pinakamhirap ay ang umasa sa walang kasiguraduhan , pero mahirap din ang magsisi .. sana isa aqo sa tinutukoy mong mahal mo :(

    ReplyDelete
  3. pro nakakainip din mahintay sa WALA

    ReplyDelete
  4. sousuke (lion lee)May 9, 2011 at 11:54 AM

    cguro kaya aq naghihintay dhil mahal q xa khit na alam q na walang mangyayari sa dulo pero cguro sa kabilang buhay pede na mangyari ang mga bagay na hinihintay q para saming dalawa............

    at naghihintay din aq dahil sinumpa q un sa knya ok lng kahit d nia un natupad basta aq ayukong sumira sa sinumpaan qng pangako....

    ReplyDelete
  5. siguro kaya nag hintay ako kac ito ay para narin sa kasiyahan ko,alam ko kac sa dulo nito mai maidudulot na maganda sa sarili, at laging kong sinasabi na hindi araw araw ai prhas,everyday is another day.

    clip waiting for my EX :(

    ReplyDelete
  6. I can wait forever..

    ReplyDelete
  7. ako, hindi na tao hinihintay ko.. nandito na.. tamang oras na lang ang hinihintay para maging okay ang lahat.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman bespren Ness.. alam ko naman na FOREVER na kayo :)))))))

      Delete
  8. almost 1yr and a half ung antay ko sa taong minahal ko pinagtuonan ko ng oras at pinagkatiwalaan ko na mahal nya ako at naniwalang maha nya rin ako dumating ang araw dumating at nagkita kmi pero sa isang saglit nawala xa sobrang hirap hindi ko alam kng anong gagawin ko ang hirap nga umasa sa wala bakit kasi my mga ganito pa hindi ko akalaing ganito ang kinalabasan ng pagmamahalan namin mas ok pa na magkalayo kmi kc walang palya sa comnu pro ngaung nandito na xa hindi man lng makabigay ng kunting oras. SAKIT

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaisa mo ako Reneyoshi. May mga ganyan talagang tao.. Hayaan mo na.. darating din yung tamang tao sa tamang panahon at tamang pagkakataon para sayo :)

      Delete

Thanks for dropping by!