12.19.09



















MAHAL KITA. WALA NG IBA!

"I love you, not for what you are, but for what I am when I am with you."

Dito nagsimula ang aking pagtingin sa iyo. Hindi ko inakala na ito'y magkakatotoo. Sa simula pa lamang ikaw na ang inibig ko. Sinusubok nga naman ng pagkakataon, tayo'y nagkalayo sa sandaling panahon. Ako'y nahumaling sa iba. Hindi ko inakala na ako'y mahuhulog sa kanya. Alam ko na mali ito subalit ginawa ko to dahil alam ko ito ang mas tama.

Dumating ang panahon, ikaw ay muling nagbalik. Kagaya ng dati: ang iyong mga umaawit na mata, matatamis na ngiti, walang katulad na pagtawa at iyong mga tinig na tila nagpapatanggal ng aking pagod. Oo. Tama. Mayroon na akong iba. Subalit kapag siya ang kasama ko, ikaw naman ang nasa isip ko. Masaya ko kapag kasama ko siya, nalilimutan ang problema bagkos di maiiwasan ang pangamba lalo na ang pangako ng MAGPAKAILANMAN.

Lumipas ang araw, linggo at buwan. Patuloy pa rin na nakikibaka sa laro ng pag-ibig. Sa di inaasahang pagkakataon, iyong natuklasan ang tungkol sa aming dalawa. Nagbago ang iyong pakikitungo sa akin nung araw na iyon. Di ko alam ang aking gagawin. May masama ba akong nagawa?

Tuluyan na akong umamin sa iyo. Ikaw nga ay mahal ko. Subalit paano ang aking kasama ngayon? Na aking natutunan ng mahalin? Huli na ba ang lahat? May pangalawa pa bang pagkakataon?

SALAMAT! Ako ay hindi nagkamali sa aking pagpili. Tama ang aking naging desisyon. IKAW na nga. Alam kong masakit para sa kanya ang iwan ko siya, subalit sayo ako mas masaya.

Sana sa samahang ito, IKAW at AKO ay maging ISA.


Share this:

, , ,

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by!